Kwentong UPCAT? Nightmare yan.. Bangungot yan, I tell you..
August 5, 20122 AM.. Nag-abang na kami ng bus papuntang Ilagan.
Sorry, maarte ako eh.. HAHAHA.. kahit Quirino yung pinakamalapit, gusto ko sa Ilagan para may mall. =))
So ayun na nga... nakarating kami ng Ilagan ng 4AM. OoooMAAAYy.. joke ba to? 3hours pa!!
5AM nasa Isabela National High School na kami. Kumaen kami dun sa tindahan sa tabi ng school.
While eating, may pusa sa ilalim. Hinayaan ko lang. Nang biglang, *rawr* kinagat ako. (Naka Short ako nun)
AWWW..SHIYEET.. Buti may cotton swabs ang mother dear. Nung UPCAT na, masakit.. May cotton na may alcohol eh. Mahapdiii.. So di ako nakapag-concentrate.. Iniisip ko yung rabies eklaboo.. Pero naka-exam pa din naman ako ng matino.. After nun, napabulong nalang ako, "Lord, Thy will be done." Yun nalang nasabi ko talaga.
February 2, 2013.
12:31PM
nag-PM sakin yung crush ko na BS Mining Eng'g ng UPD.
Siya ang unang nagsabi saken na pumasa ako.. Yiiie.. Ayun.. so yun.. hahaha.. masaya + kinikilig ang feeling ko nun..